Marahil ay isa rin kayo sa nakapansin pagkakaroon niya ng magandang lahi. Ang ama ng batikang aktor ay mula sa isang Swiss-German ancestry.
Nagkatagpo ang landas nina Eddie Mesa at ng kanyang asawang si Rosemarie Gil sa kanilang trabaho. Ikinasal sila noong 1961 at nagkaroon ng tatlong mga anak na ngayon ay kilala sa larangan ng showbiz industry. Muli nating balikan ang mga anak ni Eddie Mesa mula sa aktres na si Rosemarie Gil.
1. Michael Edward Eigenmann
Mas kilala natin siya bilang si Michael de Mesa. Isinilang si Michael de Mesa noong May 24,1960. Isa siya sa mga hinahangan aktor mula sa kanyang kabataan hanggang sa kasalukuyang panahon. Gumawa siya ng pangalan sa pelikula na talagang ginagiliwan ng maraming mga manonood. Kasal si Michael de Mesa kay Gina Alajar mula 1978. Tumagal ang kanilang pagsasama ng 23 taon at na annul noong 2006. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann. Muling nag-asawa si Michael sa katauhan naman ni Julie Reyes na isang dancer choreographer. Sa ngayon ay kasama si Michael de Mesa sa Ang Probinsyano bilang si Ramil Taduran o si Manager.
2. Raphael John Eigenmann
Mas kilala natin siya bilang si Mark Gil. Isa rin si Mark Gil sa mga aktor na nagpagigil sa atin sa tuwing gumaganap siya bilang kontrabida. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Dugo ng Birhen: El Kapitan, Ben Balasador:Akin ang Huling Alas at marami pang iba. Naging aktibo rin siya sa telebisyon. Nakasama siya sa mga palabas na The Legal Wife bilang si Dante Ramos, My Husband’s Lovers bilang si Galo Agatep at marami pang iba.
Anim ag naging anak ni Mark Gil. Ito ay sina Gabriel, Katherine, Sid Lucero, Maxine, Andi Eigenmann at Stephenie.
Pumanaw si Mark Gil noong September 1, 2014 sa edad na 52 dahil sa cirrhosiss sa atay.
3. Evangeline Rose Gil Eigenmann
Isinilang siya noong June 21, 1963. Mas popular siya sa atin sa pangalang Cherry Gil. Siya ay isa rin sa mga batikang aktres na hindi matatawaran ang galing sa pag-arte. Nagsimula siya sa showbiz industry sa edad na 9. Kilala si Cherry Gil bilang si Lavinia Arguelles sa palabas na Bituing Walang Ningning na kung saan sumikat ang kanyang linya sa pelikula na “You’re nothing but a second-ratem trying hard copycat!
Nagkaroon naman ng tatlong anak si Cherry Gil na sina Bianca, Raphael at Jeremiah David.
Hanggang sa ngayon ay patuloy na lumalabas sa mga pelikula at palabas pantelebisyon si Cherry Gil at ang kanyang nakakatandang kapatid na si Michael de Mesa.
Sa ngayon ay namumuhay si Eddie Mesa sa United States na kung saan siya ay naging isang preacher.